INILATAG na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang cash for work program para sa survivors ng kalamidad sa Ormoc City.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nagsimula na ang trabaho para sa halos 1,200 manggagawa sa 48 na barangay sa siyudad.
Nabatid na 30 katao ang kukuhanin sa bawat barangay upang linisin ang mga debris na iniwan ng bagyo at tumulong sa pagtatayo ng bunkhouses.
Umapela naman si Baldoz sa iba pang mga LGU na makipag-ugnayan sa kanilang regional offices para sa pagpapairal ng cash for work program sa kani-kanilang mga lugar.
The post Cash for work program inilatag na sa Ormoc City appeared first on Remate.