MAGLALATAG ngayong araw ang mga estudyante ng serye ng mga aktibidades kaugnay sa paggunita sa ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa darating na Sabado.
Alas-10 ng umaga kanina nang buksa ang photo exhibit ng nasabing masaker sa 2nd floor ng Arts Building, FEU Mass Com Hall sa Maynila.
Alas 11 a.m. naman nang magtitipon-tipon sa Morayta ang mga miyembro ng College Editors Guild of the Philippines-NCR (CEGP) at iba pang student journalists mula sa iba’t ibang unibersidad upang hilingin ang hustisya para sa mga naging biktima ng karumal-dumal na krimen.
Alas-6:00 naman mamayang gabi, isasagawa ang isang candle lightning at pagpaparada ng mga larawan ng mga biktima sa paligid ng Arts Building sa campus ng FEU.
The post Paggunita sa Maguindanao massacre anniversary ikinasa na appeared first on Remate.