HINDI pinatawad ng hindi pa kilalang suspek ang mga card ng sinehan sa Valenzuela City kaninang umaga, Nobyembre 19.
Sa pahayag ni Alpha Borilla, tenant relation officer ng Shoe Mart Department Store sa MacArthur Highway, Karuhatan ng lungsod, alas-6 ng umaga, pagpasok niya sa kanilang opisina ay napansin na magulo na ang mga gamit na naging dahilan upang ipagbigay alam sa kanilang mga boss.
Nang tingnan ang drawers na pinaglalagyan ng cinema cards ay wala na dahilan upang sabihin sa mga pulis.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at magkano ang halaga ng mga cinema card na tinangay.
The post Mga card ng sinehan sa Valenzuela ninakaw appeared first on Remate.