DUMATING sa bansa ang isang grupo ng mga eksperto mula sa International Criminal Police Organization o Interpol na tutulong sa Disaster Victims Identification o DVI ng mga namatay sa bagyong Yolanda.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang grupo mula sa Interpol ay binubuo ng mga eksperto mula sa Canada, Cameroon, Jordan, Britain, Bosnia at South Africa.
Sinabi ni De Lima na malaki ang maitutulong ng mga dayuhang eksperto dahil mayroon silang bitbit na sariling resources, kagamitan at pondo.
Noong lumubog ang MV Princess of the Stars, malaki ang naitulong ng Interpol experts sa pagtukoy ng pagkakakilanlan ng mga biktima.
The post Interpol tutulong na sa pagkilala sa Yolanda casualties appeared first on Remate.