SUGAPA pala talaga pagdating sa pera ang talent manager na ito kaya nilayasan ng sikat niyang talent. Dala marahil nang pagkahibang nito sa isang kilalang bansot pero guwapong aktor kaya nagagawa nitong kanain sa pera ang kanyang mga alaga para lamang may maiabot sa papang aktor.
Heto nga’t ang latest victim nito ay isang pr manager na publicist ng isang franchice na humahawak ng beauty pageant.
Matagal na nagtiyaga sa paabot-abot na kita ang huli pero nang lumaki ang agency na ‘to na pinamumunuan ng isang sikat na personalidad sa larangan ng beauty and wellness ay biglang pumasok sa eksena ang baklitang manager at sinira-siraan ang kawawang publicist.
Nabalitaan kasi nitong huli na milyones na pala ang dealings sa kompanyang ito kaya siya umentra.
Ngayon ang inagawan at siniraang publicist ay abot hanggang langit ang galit sa nasabing talent manager. Sinumpa niyang sana’y makarma rin ang mang-aagaw na ito. At dahil nga sa pagpasok ng lokong ito sa eksena, ang dating 3k na binibigay sa bawat presscon ay bumababa sa 1k. Saan kaya napunta ang 2k? Dis-organisado pa ang bawat event na ginagawa ng company. Hindi malaman ng press people kung sino ang taong kakausapin dahil si TM ay hindi mahagilap parati kapag may okasyon.
For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday.
Mabalos!
The post Talent manager na sugapa sa pera nilayasan ng sikat na alaga appeared first on Remate.