DAAN-DAANG volunteers ang nagtanim ng 3,420 puno sa paligid ng South Luzon Expressway (SLEX) upang makaiwas sa baha.
Ayon kay Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje, tumutugon sila sa programang National Greening Program (NGP) ng gobyerno.
Ani Paje, maraming environmental benefits sa pagtatanim ng puno sa paligid ng SLEX dahil bukod sa maganda ito ay makatutulong din upang mabawasan ang aksidente.
Nagsisilbing windbreaker ang puno kung may bagyo at sinisipsip nila ang sobrang tubig kaya mababawasan ang pagdagsa ng sobrang tubig sa mabababang lugar.
The post 3,500 puno itinanim sa paligid ng SLEX appeared first on Remate.