Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malampaya funds gagamitin para ibalik ang suplay ng kuryente sa Eastern Visayas

$
0
0

MALAKI ang posibilidad na gamitin na ng gobyernong Aquino ang Malampaya funds  upang ibalik ang suplay ng kuryente  sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon “Yolanda” at malakas na lindol noong Oktubre 15, 2013 sa oras na alisin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) laban dito.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang legal staff na tutukan at pag-aralang mbauti ang panukala ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla na gamitin ang Malampaya funds para ibili ng power generators  at iba pang pangangailangan para maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Eastern Visayas  na labis na hinagupit ng bagyong Yolanda.

Sa ulat, sinabi ni Petilla na kailangan nang agad na kumilos ng pamahalaan para maibalik ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Central Visayas na apektado ng magnitude 7.2 earthquake noong Oktubre 15.

Hangad naman ng Punong Ehekutibo na malaman kung susunod sa batas ang pamahalaan sa paggamit ng Malampaya funds.

“Ano ba iyong awtorisadong paggamit ng Malampaya Fund? Sa aking pag-unawa, awtorisadong paggamit kapag energy-related ang paggagamitan… Ang pinaka-energy related po ang pagbagsak ng electric power infrastructure sa Leyte at Samar, at sa iba pang mga lugar. Sinu-survey pa po, inaalam ang full extent ng damage nito, pero marami po talagang mga transmission towers na bumagsak; at kailangan nito ng massive capital expenditure, na hindi po siguro kakayanin ng mga local—well, hindi po kakayanin noong National Grid Corporation of the Philippines, iyong NGCP na siyang concessionaire sa pagpapatakbo nitong mga transmission facilities na ito,” ayon kay Sec. Coloma.

Sinabi pa rin ni Sec. Coloma  na ang electric cooperatives na naapektuhan ng bagyong Yolanda ay maaaring humingi ng tulong sa Energy Regulatory Commission and National Electrification Administration para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Ang ERC aniya ay maaaring magbigay ng karagdagang capital expenditures para sa  electric cooperatives.

The post Malampaya funds gagamitin para ibalik ang suplay ng kuryente sa Eastern Visayas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>