MATAPOS batikusin ng buong mundo ang gobyerno ng China dahil sa $100,000 na ibinigay na tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda, dinagdagan nila ito ng $1.6 million.
Sa report, ang grant ng China ang pinakamaliit at sinasabing napilitan lamang magbigay dahil sa kahilingan ng United Nations at ASEAN.
Matagal nang may alitan ang China at Pilipinas kaugnay sa Kalayaan Shoal territorial dispute.
Bukod sa pera, sinabi ni foreign ministry spokesman Hong Lei na handa rin ang China na magpadala ng emergency medical assistance team on humanitarian grounds.
Iba pang private groups at Chinese Red Cross, ang handa ring magtungo sa Pilipinas upang tumulong sa disaster relief.
Ani Hong, aalis ang nasabing mga grupo kapag handa na ang lahat ngunit wala silang kinumpirmang araw kung kelan.
Samantala, muling magkikita ang mga representante ng Pilipinas at China sa COIFAIR 2013 na naglalayong magkaroon ng global multilateral intercommunication platform sa mga kumpanya ng mga bansang kasapi.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, kasama rin sa meeting ang South Africa, Canada, Lithuania, Mexico, Korea, Poland, Spain, Russia, Ethiopia, Iran, Indonesia, Turkey, Malaysia, Austria, Brazil at United States.
Dito ay ipakikilala ng Pilipinas ang vino de coco (tuba) na planong i-export sa mga kasamang bansa.
The post Naasar sa batikos: China nagdagdag ng $1.6M ayuda sa Pinas appeared first on Remate.