ISA na namang ginang ang namatay habang sugatan naman ang kanyang dalawang anak nang muling sumiklab ang isa pang sunog sa kaparehong barangay sa Quezon City kaninang alas-2 ng madaling-araw, Nobyembre 16.
Ayon sa ulat ng pulisya, na-suffocate ang biktimang si Virgie Lascona, 54, nang hindi makalabas ng kanyang bahay sa Sitio Militar Ibaba, Barangay Baesa, Q.C.
Nalapnos naman ang ilang bahagi ng katawan ng mga anak nitong sina Babylyn Lascoña, 10 at Daniel Lascoña, 8.
Isa sa itinuturong dahilan ng sunog ay nabuwal na nakasinding kandila.
Walang suplay ng kuryente sa nasabing barangay kahapon pa, Nobyembre 15, dahil sa isa rin na sunog na ikinamatay ng isang nagngangalang Angelita Unidez, 57, at ikinatupok ng may 100 kabahayan.
The post Ginang patay, 2 anak sugatan sa QC fire appeared first on Remate.