Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

1 patay, 1 sugatan sa inuman sa Valenzuela

$
0
0

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos hatawin ng bote at saksakin ng dalawang kalugar sa Valenzuela City Biyernes ng gabi, Nobyembre 15.

Namatay habang gimagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Christopher Angeles, 32, ng Sampaguita st., Marulas.

Ginagamot sa nasabing ospital sanhi naman ng putok ng ulo si Romeo De Guzman, 54, ng San Miguel Heights, Marulas.

Nadakip naman si Virgilio Bragais, 44, ng Magsaysay St., Marulas habang nakatakas naman si Jhun Pati, nasa hustong gulang, kapitbahay ng una.

Sa ulat, alas-6:30 kagabi, kainuman ni De Guzman si Pati sa Magsaysay St., nang dumating si Angeles na may dalang piraso ng kahoy sabay hataw kay De Guzman.

Hinataw din ni Angeles si Pati na nagawang makatakbo subalit hinabol ng una at nang maabutan ay nagbuno hanggang sa makabunot ng patalim ang huli at pinagsasaksak ang una.

Tumakas si Pati habang dinala naman si Angeles sa VGH at umuwi naman si De Guzman kung saan nakita si Bragais sa kalsada at parang may inaabangan.

Hindi pinansin ni De Guzman si Bragais subalit pagtapat ng una ay hinataw ng bote ng huli.

Kahit hilo at putok ang ulo ay nagawang makatakbo ni De Guzman hanggang sa makahingi ng tulong at nadala sa VGH kung saan nadakip naman si Bragais ng mga rumespondeng mga pulis.

The post 1 patay, 1 sugatan sa inuman sa Valenzuela appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>