NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tuldukan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na maaaring makaapekto sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay PNP PIO chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac, labis na takot ang nalikha ng mga kumakalat na ulat hinggil sa talamak na pagnanakaw o looting sa Eastern Visayas.
Aminado si Sindac na hindi nila inaalis ang posibilidad na mayroong grupo na gustong gumawa ng senaryo upang magkaroon ng kaguluhan sa isinasagawang relief operations ng gobyerno.
Pero tiniyak naman ng PNP na sinisikap nilang paigtingin ang kanilang ipinatutupad na security measures gayong marami pa silang mga lugar na dapat bantayan.
Samantala, accounted na lahat ang mga police personnel sa Eastern Samar Police Station na nasa 672 gayundin ang 60 mga personnel mula sa Regional Public Safety Battalion.
Nakatakda namang magdagdag ng puwersa ang PNP sa Eastern Samar na manggagaling pa ng Central Luzon.
The post Tuldukan na ang maling impormasyon – PNP appeared first on Remate.