Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kagawad at guro na nagsilbing BEI tigok sa Zambo

$
0
0

PATAY ang bagong halal na barangay kagawad at isang guro na kapwa nagsilbing Board of Election Inspector (BEI) sa magkahiwalay na insidente ng pananambang sa Zamboanga Peninsula.

Nabatid sa report ng Police Regional Office (PRO-9), maraming tama ng bala sa katawan ang barangay kagawad ng Barangay Manguiles, Mahayag, Zamboanga del Sur na kinilalang si Julius Boquia Lapinig, 41, makaraang barilin ng tatlong armadong lalaki gamit ang caliber .45 pistol at 9mm pistol.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima alas-9:00 ng umaga kasama ang kanyang misis na masuwerteng hindi tinamaan ng bala nang harangin ng mga suspek.

Samantala, patay din sa isa pang insidente ng pamamaril ang isang pampublikong guro na nagsilbing BEI noong nakaraang barangay election nito lamang ika-28 ng Oktubre nitong taon.

Ang biktimang si Gina Yosores Niones, 45, ay nakatalaga sa Danlugan Elementary School sa bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay at residente ng Purok 27, Barangay Poblacion.

Sinabi ng mister ng biktima sa mga pulis ng Buug municipal police station na noong araw ng eleksyon, mayroon umanong lumapit dito na nag-aalok ng malaking halaga ng pera para manipulahin ang resulta ng eleksyon pero hindi pumayag ang biktima.

Kinumpirma ng awtoridad na anggulo sa pulitika ang isa sa nakikita nilang motibo sa pamamaslang sa nasabing guro.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang mastermind sa dalawang magkahiwalay na pamamaril.

The post Kagawad at guro na nagsilbing BEI tigok sa Zambo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>