KINATIGAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 10 araw na tigil-putukan na inilatag ng New People’s Army.
Ayon kay AFP Chief of Staff Emmanuel Bautista, hindi pa napapanahon ang karahasan dahil maraming nangangailangan ng tulong ngayon.
Bagama’t nakatutok sa search at retrieval operations ang 15,000 sundalo, sinabi ni Bautista na nakahanda ang militar na ipagtanggol ang mga sibilyang mula sa mananamantala sa sitwasyon.
Una rito, nagdeklara ng 10 araw na tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa mga lugar na binayo ni super typhoon Yolanda.
Layon nitong matulungan ang mga biktima ni Yolanda na makabangon mula sa delubyong dulot ng nasabing bagyo.
The post NPA nagdeklara ng 10-araw na tigil-putukan appeared first on Remate.