Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bus ng ‘Yolanda’ survivors nabangga, 5 patay

$
0
0

LIMA ang patay sa naganap na banggaan ng dalawang bus na mula sa Tacloban City kaninang madaling-araw sa Del Gallego, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ni Naga P/Insp. Jonathan Victor Olvinia, naganap ang insidente alas-3 kaninang madaling-araw sa Barangay Cumadaycaday.

Ang mga behikulo ay kinasasangkutan ng Raymond bus mula sa Maynila habang patungo naman ng Maynila ang JMC Tour mula Tacloban City na lulan ang 70 pasahero na kapwa nagkabanggaan ang harapan na bahagi ng dalawang sasakyan.

Napag-alamang apat ang patay mula sa Raymond bus habang isa naman sa JMC Tour na sinasabing isa sa mga driver ng bus.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima gayundin ang mga nasugatan na dinala sa magkakahiwalay na pagamutan sa Camarines Sur at Quezon.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang kabuuang pangyayari sa nasabing aksidente.

The post Bus ng ‘Yolanda’ survivors nabangga, 5 patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>