POSIBLENG bawiin nang Department of Justice (DOJ) ang kasong plunder laban sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na iniugnay sa isa sa mga NGO’s ni janet Lim-Napoles.
Ito ay matapos na aminin ng isa sa mga whistleblower na si Merlina Suñas sa pagharap sa Senado kahapon na pineke lamang nila ang pirma ni Nemencio Pablo Jr. sa mga papeles ng NGO ni Napoles na lingid sa kanyang kaalaman.
Inamin din ni Suñas na pinsan niya si Pablo at ginawang pangulo ng Agri and Economic Program for Farmers Foundation Inc.
Si Pablo na isang engineer ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Australia.
Humingi na ng paumanhin si Suñas kay Pablo dahil sa pagkakasangkot sa iskandalo ng pork barrel scam.
The post Plunder case vs OFW, babawiin ng DOJ appeared first on Remate.