HINDI pa pinal at executory ang hatol na diskuwalipikasyon laban kay Laguna Governor ER Ejercito kaugnay sa sobrang paggasta noong nakaraang 2013 midterm elections.
Paglilinaw ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, ito ay dahil binigyan pa ng limang araw si ER na makapagsumite ng kanyang motion for reconsideration sa desisyon ng Comelec 1st Division.
Maari rin lamang, aniyang, ipatupad ang ruling kung kakatigan ito ng Comelec En banc matapos ang deliberasyon ng mga commissioner.
Ayon pa sa poll chief, sakali madiskuwalipika si ER sa puwesto ay papalitan siya ni Laguna Vice Governor Ramil Hernandez.
Napag-alaman na ang diskuwalipikasyong kinakaharap ni ER ay dahil sa sobra-sobra nitong paggastos na umaabot sa mahigit na P6 milyon noong nakaraang halalan gayung pinapayagan lamang ng komisyon ay P4.5 milyon lamang para sa lalawigan ng Laguna na may registered voters na 1.5 milyon.
The post Disqualification ni Laguna Gov. Ejercito, ‘di pa pinal – Brillantes appeared first on Remate.