PAPASOK sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang isa pang bagong low pressure area (LPA) kahit hindi pa nakakalabas sa teritoryo ng ating bansa ang bagyong Paolo, a yon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay Pagasa forecaster Fernando Cada, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 900 kilometro sa silangan ng Northern Mindanao.
Kung sakaling magiging ganap na bagyo ay tatawagin itong tropical depression Quedan.
Ang bagyong Paolo naman ay tinatayang tatagal pa sa karagatang sakop ng ating bansa hanggang Linggo kaya inaasahang magdudulot pa ito ng mga pag-ulan dahil sa nahahatak na habagat.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 240 kilometro sa kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras.
Mabagal pa rin itong kumikilos patungo sa pakanlurang direkyon o katimugang bahagi ng China.
The post Panibagong LPA, namataan appeared first on Remate.