DIDINGGIN ngayon araw, September 27, ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Reynald Lim, kapatid ni Janet Lim-Napoles, kaugnay sa warrant of arrest na ipinalabas ng korte hinggil sa reklamong illegal detention na inihain ni Benhur Luy.
Ganap na alas 10:30 ngayong umaga itinakda ang summary hearing, batay na rin sa resolusyon ng CA 7th division na pimamumunuan ni Associate Justoce Noel Tijam.
Sa inihaing petisyon ng kapatid ni JLN, hiniling nito sa CA na pigilan ang warrant of arrest laban sa kanya na ipinalabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150.
Ang warrant of arrest nito ay may kaugnayan sa kasong illegal detention na inihain naman ng whistleblower na si Benhur Luy.
The post Petisyon ng kapatid ni JLN, didinggin ngayon ng CA appeared first on Remate.