HINARANG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang plano ng ilang bangko na magpatupad ng dagdag singil sa mga automated teller machines (ATM) transactions sa susunod na buwan.
Ayon kay BSP Deputy Governo Nestor Espinilla Jr., kailangan munang pag-aralan ng Monetary Board ang plano ng mga bangko na magtaas ng ATM inter-bank transaction fee.
Sinabi pa ni Espinilla na mahigpit na ipinag-utos ng BSP ang pagpapaliban sa hirit ng mga bangko matapos ianunsyo ng Metrobank, Security Bank at Banco De Oro (BDO) ang dagdag-singil sa kanilang ATM charges.
Layon, aniya, ng kanilang pagsusuri na balansehin ang interes ng stakeholders at konsyumer sa napipintong dagdag-singil.
Aniya, kapag hindi sumunod ang bangko sa kautusan ng BSP ay may kaukulang parusa o sanctions.
The post Dagdag singil ng mga bangko sa ATM fees, hinarang ng BSP appeared first on Remate.