NAGING tulong ang social networking site na Facebook upang makilala ang apat na suspek, kabilang ang tatlong menor-de-edad na nasangkot sa pagnanakaw sa isang bahay sa bayan ng Lingayen sa Pangasinan.
Nagawa pang magpa-picture ng mga suspek sa pangunguna ng isang David John Fernandez, kasama ang tatlong binatilyo mula sa iPod na ninakaw sa pamamahay ni Alvin Gregorio.
Hindi alam ng mga suspek na aksidenteng na-upload ang kanilang mga larawan sa Facebook account ng biktima dahilan para matunton ang kanilang pagkakilanlan.
Bukod sa iPod ay tinangay din ng mga suspek ang isang flat TV, perang nagkakahalaga ng P10,000, tatlong ATM cards at US$200.
Maliban sa pera ay nabawi rin ng mga pulis ang mga ninakaw ng mga suspek.
The post 4 magnanakaw tiklo sa selfie photos appeared first on Remate.