Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trato ni Sen. Guingona kay Sec. de Lima inalmahan ng Malakanyang

$
0
0

MAGING ang Malakanyang ay nabastusan sa inasal ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Teofisto Guingona III matapos sabunin si Justice Secretary Leila de Lima nang hindi na payagan ng huli ang mga whistleblower na dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa pork barrel scam.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na naintindihan niya ang naging posisyon ni Sec. de Lima na ipinaubaya na sa Office of the Ombudsman ang pagpayag sa whistleblowers na lumitaw sa Senate hearing ng PDAF scam dahil na rin aniya sa probisyon na makikita sa Ombudsman Law.

Kitang-kita naman aniya na maganda ang intensiyon ng Kalihim na nagpunta sa Senate hearing upang ipaalam na hindi makakadalo ang whistleblowers.

Si Guingona ay kaalyado ni Pangulong Aquino sa Liberal Party.

Sa kabilang dako, tila naghihintay naman ng sagot sina de Lima at Guingona sa magiging sagot ni Ombusdman Conchita Carpio-Morales kaugnay sa pagpapadalo sa whistleblowers sa Senate hearing ng PDAF scam.

Kung ang ehekutibong sangay ng pamahalaan lamang naman aniya ang tatanungin ay sinabi nito na palagi naman silang nakikipag-cooperate sa Senado para sa patuloy na isinasagawang pagdining ng Senate Blue Ribbon Committee lalo pa’t makailang ulit na aniyang dumalo si sec. de Lima sa mga Senate hearings.

Siguro aniya ay hindi dapat na magkaroon ng kwestiyon ang nagiging kooperasyon ng Ehekutibo sa mga pagdinig na ginagawa ng Senado.

The post Trato ni Sen. Guingona kay Sec. de Lima inalmahan ng Malakanyang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>