Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagtanggi ng Ombudsman na humarap si Napoles sa Senado oks sa solon

$
0
0

KINAMPIHAN ng isang kongresista ang Ombudsman sa hindi pagpapahintulot na humarap ang pork scam queen na si Janet Lim-Napoles sa imbestigasyon ng Senado.

Naniniwala si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na tama ang desisyon ng Office of the Ombudsman na huwag nang paharapin si Napoles sa imbestigasyon ng Senado sa P10-B pork barrel scam.

Bukod sa maiiwasan aniya ang trial by publicity ay posible ring malagay sa alanganin ang seguridad ng mga testigo sa sandaling magsalita si Napoles tungkol sa scam.

Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan rin ang trial by publicity.

Ipinaliwanang ni Tugna na bagama’t may kapangyarihan ang Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” ay magkaiba pa rin ang sitwasyon ngayong naihain na ang kaso sa Ombudsman.

Ani Tugna, sa dalawang magkasalungat na kapangyarihan ng Senate Blue Ribbon Committee at Ombudsman, dapat manaig aniya ang Ombudsman sa pagkakataong ito.

Sa inilabas na paliwanang ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay ipinagdiinan nito na hindi na makabubuti kung magbibigay pa ng kanyang testimonya si Napoles sa Senado.

Ang sulat ni Morales ay bilang tugon sa komentong hinihingi ni Senate President Franklin Drilon sa Ombudsman kaugnay sa kahilingan ni Senador Teofisto Guingona III na makapag-isyu ng subpoena ang Senado.

Ito ay upang humarap sa imbestigasyon ng komite si Napoles sa Setyembre 26, 2013.

Giit ni Morales na hindi makabubuting makapagbigay ng testimonya si Napoles dahil naninindigan ito na wala siyang nalalaman sa scam.

The post Pagtanggi ng Ombudsman na humarap si Napoles sa Senado oks sa solon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>