ISINILANG na ng StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto ang kanilang baby girl ni Pampi Lacson.
Mismong si Pampi ang nagpost ng maiksing video sa Instagram ng aktres katabi ang kanilang anak.
Naging emosyunal naman si Iwa habang masuyong hinahagkan sa ulo ang anak.
“Anak, nandito si Mommy. Sorry, Anak,” naluluhang sambit pa niya.
Proud daddy naman si Pampi, base na rin sa caption ng kanyang Instagram post: “Welcome to the world, Eve.”
Matatandaan na naikuwento noon ni Iwa na si Thirdy, ang anak ni Pampi sa aktres na si Jodi Sta. Maria, ang pumili ng pangalang Eve noong nagbubuntis pa lang si Iwa.
“Siya ang nagbigay ng name na Eve. Yun daw ang gusto niyang name sa baby sister niya.”
The post Iwan Motto nagsilang na appeared first on Remate.