ILANG lugar sa Metro Manila ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan na dala ng southwest monsoon.
Ayon sa report ng Light Rail Transit Authority, ilan sa kanilang mga istasyon ang inabot ng ankle-deep na tubig-baha partikular sa line 1.
Mataas din ang baha sa Quirino at Leveriza, Osmeña-Buendia at Pedro Gil Street.
Samantala, ibinaba na ng PAGASA sa yellow rainfall warning ang Metro Manila.
The post Ilang parte ng Metro Manila binaha appeared first on Remate.