PATAY ang apat na buwang buntis nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa labis na depresyon sa Catanauan, Quezon.
Dakong 1:00 ng madaling-araw nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Crisilda Batad Señora, 29, sa Brgy. Madulao, Catanauan, Quezon na nakabigti na gamit ang lubid.
Ayon sa tiyuhin ng biktima, nakarinig siya ng malakas na kalabog sa loob ng bahay ng biktima kaya agad niyang pinuntahan at tinawag ito pero walang sumasagot kaya nagdesisyon na siyang pwersahang buksan ang pinto.
Tinangka pang isugod sa Bondoc Peninsula District Hospital ang biktima pero idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.
Nabatid mula sa mga kaanak ng biktima na may problema ang biktima sa kanyang kinakasama na hinala nilang dahilan ng pagpapakamatay nito.
The post Depressed na buntis nagpakamatay appeared first on Remate.