BAGAMA’T hindi matanggap ng ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR), pikit-matang sasama sila sa 142 opisyal na magta-turn over ng kanilang revenue district office sa pinaniniwala nilang hindi mga kuwalipikadong revenue district officer (RDO)
Sinabi ng ilang RDO’s na wala silang magagawa kung hindi ibigay ang kanilang district office sa mga non-performer at non-qualified ranking official.
Binalewala kasi ng nakatataas na opisyal ang kanilang award at collection performance.
Itinapon din umano sila sa malalayong lugar ng Luzon, Visayas, Mindanao at sa Mountain Province.
Aabot sa 142 opisyal sa buong Pilipinas ang sabay-sabay na gagawa ng turn over ceremony sa Biyernes, Setyembre 27 na tatawagin nilang “Black Friday” bago abutan ng Setyembre 28, ang Comelec ban para naman sa nalalapit na barangay elections sa October 2013.
The post Setyembre 27: Black Friday sa BIR appeared first on Remate.