MAY tsansa ng makapasok sa crossover semifinals kung aabot sa 11 panalo kaya naman pupuntiryahin ng San Sebastian College Stags ang manalo bukas ng hapon upang mapalakas ang asam na top four sa 89th NCAA senior men’s basketball tournament.
Mag-isa sa pang-apat na puwesto sa team standings ang Stags sagpang ang 8-5 win-loss slate kung saan makakaharap nila sa alas 4 ng hapon sa The Arena, Sam Juan ang College of Saint Benilde Blazers.
Medyo pilay pa ang Stags dahil kulang sa tao ng manalo sila sa kanilang huling laro laban sa determinadong Lyceum of the Philippines Pirates, 58-53.
Si rookie CJ Reyes ang tumikada sa opensa para sa Stags matapos magtala ng 28 puntos,11 rebounds at dalawang assists kontra Pirates.
May 18 laro ang bawat teams sa eliminations round at ilang laro na lang ay malalaman na ang Final four kaya mahahalaga ang bawat laro ngayon.
Masaya sa tuktok ang defending champions San Beda College Red Lions sakmal ang 11-2 card habang nasa pangalawang puwesto ang Perpetual Help Altas tangan ang 11-3 baraha.
Matapos masilat nakaraang gabi sa Emilio Aguinaldo College Generals ang Letran Knights lumagpak ito sa pangatlong puwesto kasama ang 10-3 record habang ang una ay nasa pang-limang puwesto hawak ang 6-7 karta.
Tangan ng host Blazers ang 5-8 card.
Sa pangalawang laro, planong magpasabog ang Jose Rizal University Heavy Bombers para manatili rin itong may pag-asa na sumampa sa semis.
Karga ng JRU ang 5-7 at dahil may natitira pa silang anim na laro kasama ang laban nila sa ala 6 ng gabi kontra Arellano U Chiefs ay malaki rin ang tsansa nito sa F4.
Kapag natalo ang Chiefs ay manipis na lang ang pag-asa nito na makapasok sa susunod na stage.
Parehong galing sa three-game skid ang JRU at AU.
The post Stags magpapalakas appeared first on Remate.