Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat

$
0
0

MAKARARANAS ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas region kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Odette.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) ang pag-ulan na nararanasan ng ilang bahagi ng Metro Manila, Central Luzon at Western Visayas region ay dahil sa hanging Habagat na pinai-igting ng bagyong Odette at ng isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility.

Sinabi ni Jori Loiz, weather forecaster ng PAGASA, walang namamataang sama ng panahon ang weather bureau at tanging ang hanging Habagat lamang ang nagpapa-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas region.

Bagamat nakalabas na ng PAR ang bagyong Odette nitong nakalipas na Sabado ng gabi makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat.

Sinabi pa ni Loiz na maliit din ang tsansa na magkaroon tayo ng sama ng panahon ngayon dahil sa paghihilahan ng nakalabas na bagyong Odette at ng isa pang bagyo na nasa labas ng PAR.

The post Pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa hanging Habagat appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>