ILAN sa mga fans ni Rihanna ang nalungkot makaraang hindi sila payagang magamit ang kanilang camera sa concert ng pop star sa MOA, Pasay City ngayong gabi.
Tanging accredited lang na media at press ang pinayagang magdala ng camera para sa documentation.
Hindi naman mahulugan ng karayom sa dami ng nanood sa concert ng singer kung saan naispatan pa ang ilang sikat na celebrities katulad ni Anne Curtis.
Kaninang alas-7 ng gabi lang dumating si Rihanna para sa kanyang one day concert sa bansa at agad ding lilipad pagkatapos ng event.
The post Mga camera ipinagbawal sa concert ni Rihanna appeared first on Remate.