PINASISINGIL ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal na sumakay sa eroplano ng Philippine Air Force kabilang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa loob ng 20 taon ay umabot sa P21.87 milyon ang halagang pinasisingil mula January hanggang April ng 1994.
Nitong September 13 ay pinawalang bisa ng COA ang kautusan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na may petsang June 23, 1994 na suspendihin ang koleksyon sa bayad mula sa mga gumamit ng military planes at choppers para sa non-military jobs.
Binanggit dito ang ruling ng COA office of the General Counsel noong 2009 na ipinadala kay Air Force Chief Lt. Gen. Oscar H. Rabena na nagsasabing dapat masingil ang public officials at private individuals na gumamit ng PAF aircraft.
Kinakatigan ng COA ang probisyon ng Department of National Defense Circular no. 7 (1988) na nagdedeklara na ang non-military use ng alinmang aircraft o watercraft ng Armed Forces of the Philippines ay kailangang singilin ng AFP unit kung wala rin lang pahintulot mula sa presidente o kalihim ng DND.
Ayon sa ulat, may mga mambabatas na nagreklamo kay FVR na siyang dahilan ng pagpapatigil sa paniningil.
Kabilang sa nangungunang 10 malalaking unpaid bills sa PAF ay sina Assistant Secretary Honorio T. Cagampan (P6.65 million), Phil. Convention and Visitors Corp. (PCVC na ngayon ay Phil. Tourism Promotions Board) Exec. Dir. Danilo Corpuz (P3.12 million), dating senador Nikki Coseteng (P2.64 million), dating senador at ngayon ay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon (P1.702 million), dating Sen. Orlando Mercado (P1.05 million), dating senador Ernesto Maceda (P0.934 million), dating Batanes Rep. Enrique Lizardo (P0.522 million), dating DILG Secretary Rafael Alunan III (P0.385 million) at dating DAR Secretary Ernesto Garilao at dating Apayao Rep. Elias Bulut (parehong P0.312 million).
Nasa listahan din sina Pampanga Rep. Gloria Arroyo (P184,239), dating House Speaker Jose de Venecia Jr. (P154,200), dating SBMA Chairman Richard Gordon (P119,787), dating DSWD Secretary Corazon Alma de Leon (P261,787) at mga dating senador Leticia Shahani (P100,130), Edgardo Angara (P65,085), Heherson Alvarez (P60,078), Raul Roco (P40,052) at Santanina Rasul (P20,026).
The post Mga sumakay sa PAF plane pinasisingil ng COA appeared first on Remate.