APRUBADO na sa sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan elections.
Naging mabilis ang proseso sa plenaryo ng House Bill 2849 na naisalang agad sa viva voce matapos itong i-sponsor ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Fred Castro.
Sa kanyang sponsorship, sinabi ni Castro na ipagpapaliban ang SK elections hanggang sa October 2016 at hindi pwedeng manatili sa posisyon ang mga kasalukuyang SK officials matapos ang termino sa October 2013.
Binigyang diin ng kongresista na maraming natukoy na kahinaan sa kasalukuyang sistema ng SK kasama ang hindi malinaw na panuntunan at programa ng SK at maagang pagkaka-expose ng SK officials sa highly political exercise sa kanilang murang edad.
Maging ang mahinang control mechanism sa SK ay nabanggit ni Castgro sa kaniyang talumpati kaya nawawaldas aniya ang pondo at wala ding kapasidad ang SK officials na pumasok sa mga kontrata dahil sa kanilang edad.
Nagkakaroon din aniya ng mga karaniwang reklamo na tamad ang mga SK officials na dumalo sa mga sesyon ng konseho.
Agad namang komontra si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ang hindi pagpapayag na manatiling nakaupo ang mga incumbent SK officials.
Ang chairman ng SK ay mayroong otomatikong ex-officio member ng barangay council.
The post Pagpapaliban sa SK elections pasado na sa ikalawang pagbasa appeared first on Remate.