Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Operasyon ng Zambo International Airport bubuksan na

$
0
0

MAKALILIPAD na muli sa Zamboanga ang ilang commercial airlines makaraang bawiin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang suspensyon ng operasyon ng Zamboanga International Airport kanina.

Pansamantalang dalawang commercial flights muna ang pinayagan ng CAAP na makalipad, bukas Huwebes.

Ito ay ang PAL Express at Cebu Pacific Air, ayon kay CAAP deputy director general John Andrews.

Limitado rin sa isang bagahe ang maaaring madala ng bawa’t pasahero, aniya, sasama siya mismo sa naturang flight upang matiyak na masusunod ang kautusan ng ahensiya.

Aniya, wala nang nagbabantang panganib sa Zamboanga airport dahil kontrolado ito ng pamahalaan, at nakita nila ito nang mismong magsagawa sila ng assessment sa naturang lugar.

Patuloy rin na magsasagawa ng assessment ang CAAP sa Zamboanga City upang tiyakin na maaaring pahintulutan sa Biyernes ang paglipad ng apat pang flights.

Sa kabila nito, patuloy na hindi pinapayagan ang night operation ng commercial flights sa Zamboanga airport sanhi sa umiiral na curfew sa naturang siyudad.

Ayon sa CAAP, umabot na sa halos 7 libong pasahero ang naapektuhan sa mahigit isang linggong pagsasara ng Zamboanga International Airport dahil sa kaguluhan.

Napag-alaman pa na mahigit limang libong pasahero mula sa Cebu Pacific ang apektado habang 1,200 naman sa PAL Express.

The post Operasyon ng Zambo International Airport bubuksan na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>