UPANG hindi na tumakbo pa ang three-termer barangay officials sa October 28 barangay elections, ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pangalan ng barangay officials na nasa ikatlong termino na sa ngayon.
Sa isang press briefing, sinabi nina Comelec Commissioners Christian Lim at Grace Padaca na humingi na sila ng soft copy ng three-termers barangay officials at plano nilang i-upload ito sa website ng poll body upang madaling makita ng mga botante.
“We are asking for a soft copy of the three termers para ma-upload namin sa website ng Comelec para we can ask the public to help us identify three-termers,” ayon kay Padaca.
“Sa monitoring, kailangan talaga namin ng tulong ng public. At the same time, pag-pinublish mo, at least alam na ng tao kung sino yung overstaying. Sana mahiya naman kayo mag-file ng COC,” pahayag naman ni Lim.
Batay sa inisyal na datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG), may 281 three-termers sa National Capital Region (NCR); 275 sa Region 9 (Zamboanga Peninsula); 189 sa Region 11 (Davao Region); at 183 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sakali namang magpumilit ang three-termers na maghain ng COCs ay tiniyak ng Comelec na hindi sila magdadalawang-isip na sampahan ang mga ito ng kasong kriminal, bukod pa sa diskuwalipikasyon, perjury at election offense.
The post Three-termers na bgy. officials papangalanan ng Comelec appeared first on Remate.