MAPAPABILIS na ang proseso sa mga kukuha ng Birth, Death at Marriage certificate sa Manila City Hall makaraang ipatupad sa ilalim ng pamumuno ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang “One Stop Shop” sa Civil Registry Office.
Ito ang ipinahayag ni Joey Cabreza, Officer in Charge ng Civil Registry Office sa Manila City Hall, makaraang makatanggap ang kanilang opisina ng kaliwa’t kanang reklamo hinggil sa pagkuha ng mga nabatid na certificate kung saan sobra ang haba ng pila sa pagkuha at pagbabayad nito.
Ayon kay Cabreza, sa ilalimg ng polisiya na “One Stop Shop” hindi na aalis pa sa Civil Registry area ang kukuha ng naturang sertipikasyon dahil magkakatabi na lamang ang pagkuha ng application at bayaran ng certificate kung saan hindi tulad ng dati na kailangan pang pumunta at pumila sa Treasury Division.
Kaugnay nito, nagbabala din si Cabreza sa ilang tiwaling tauhan ng naturang departamento dahil mahigpit pa ring ipinatutupad ang “One strike police” batay na rin sa kautusan ni Estrada.
Dagdag pa ni Cabreza, posibleng matanggal at maharap sa mas mabigat na parusa ang sinumang empleyado na mahuhuling nangongotong o nanghihingi ng mas malaki sa dapat na bayaran ng publiko sa pagkuha ng birth, death o marriage certificate.
Plano rin ni Cabreza na magsagawa ng balasahan sa mga empleyado kung saan nagiging pamilyar ang mga ito sa mga kumukuha ng certificate na humahantong na sa katiwalian.
Pinag aaralan na rin ni Cabreza ang full computerization para sa maitala ang mga dokumento at hindi nakatiwangwang na kalaunan ay nasisira ng ulan at mga insekto.
Tiniyak ni Cabreza na makaraang simulan ang naturang polisiya ay maaari nang kunin kinabukasan ang birth, death o marriage certificate na kinukuha ng publiko.
The post One stop shop, ipinatupad sa pagkuha ng birth, death o marriage certificate sa Manila Cityhall appeared first on Remate.