NAPATAY ng pulisya ang isang kidnapper habang tatlong kasamahan nito ang nasilo nang tangkain nilang dukutin ang isang drugstore owner sa Midsayap town, Linggo ng hapon.
Tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang ikinamatay noon din ng suspek na kinilalang si Jelon Pasandalan, ng Pikit town sa unang distrito ng North Cotabato.
Nakorner naman ng mga rumespondeng pulis at mga galit na resindente ang dalawa pa na sina Digu Bagkal at Mohammad Pagayao.
Sina Bagkal at Pagayao ang nagnguso sa hideout kaya nahuli rin ang kanilang leader na si Adam Guimalon Sansaluna sa isang interior barangay sa Midsayap.
Ayon sa army intelligence source, si Sansaluna na isang ethnic Maguindaoan decsent ay kabilang sa isang maliit na grupo na loyal sa tropa ng MNLF ni Nur Misuari.
Bago ito, sakay sa pickup truck na minamaneho ng kanyang driver ang biktimang si Monalita Sedenio, 73, nang biglang harangin ng mga suspek alas-6 ng gabi.
Mismong sasakyan ng biktima ang ginawang get away vehicle ng mga suspek pero natumbok agad ng pulisya ang kanilang dinaanan na humantong sa barilan.
Sinabi ni Supt. Reinante delos Santos na ang nasabing insidente ay pangalawang kidnapping attempt sa Central Mindanao sa loob ng isang linggo.
The post Kidnaper lagas, 3 pa tiklo sa Midsayap encounter appeared first on Remate.