NIYANIG ng lindol ang bahagi ng North Cotobato at Ilocos Sur kagabi .
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), walang naiulat na pinsala ang pagyanig bandang alas-8:47 kagabi saSsilangang bahagi ng Carmen, North Cotabato sa layong 19 na kilometro.
Ang lindol ay iniulat ng Phivolcs, may lalim sa isang kilometro.
Maliban dito, nakapagtala rin ang Phivolcs ng pagyanig ng intensity II sa Carmen, North Cotabato.
Una rito, niyanig din ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng San Vicente, Ilocos Sur alas-7:28 ng gabi.
Ang sentro ng lindol ay nasa 101 kilometer silangan ng nabanggit na lugar na may lalim na 30 kilometer.
Naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig na bayan.at tectonic in origin naman ang dahilan ng mga naitalang pagyanig.
The post North Cotabato at Ilocos Sur, niyanig ng lindol appeared first on Remate.