HINIKAYAT ng isang mambabatas ang pamahalaan na magpataw ng karagdagang requirement sa mga lalaking dayuhan na gustong makapag-asawa ng Pinay.
Ayon kay Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, hindi naman maipagkakaila na may ilang insidente kung saan ang mga dayuhang nagpupunta sa Pilipinas para makapag-asawa ay “problema” ng kanilang bansa na ang motibo sa pagpapakasal ay para samantalahin at abusuhin ang mga Pinay.
Sa kasalukuyan, bago makakuha ng marriage license ang isang dayuhan na gustong magpakasal sa Pinay ay kailangang may certificate of legal capacity to contract marriage ito, mula sa kaukulang diplomatic o consular officials ng dayuhan.
Sinabi ng mambabatas na dadagdagan ito sa panukala kung saan ang lalaking dayuhan ay kailangang makapagbigay din ng “certificate of good moral character at certificate that he has a gainful trade, business or employment,” na ipapalabas ng kanyang diplomatic o consular official, bago ito mabibigyan ng marriage license.
The post Kasal para sa mga dayuhan hihigpitan appeared first on Remate.