MULI na namang nagsunog ng mga establisimiyento ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa patuloy na gulo sa Brgy. Rio Hondo, Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga.
Ang sunog ay naganap sa likurang bahagi ng LTO building sa Buguk St., Brgy. Sta. Catalina.
Naniniwala ang militar na kagagawan ng mga tauhan ni Nur Misuari ang mga sunog.
Kahapon ay nasa 200 bahay rin ang nasunog sa lungsod sa kalagitnaan ng tensyon.
The post 3 establisimiyento sinunog sa Zamboanga appeared first on Remate.