KINUMPIRMA ng Western Mindanao Command (Westmincom) na umakyat na sa 22 ang patay sa halos isang linggo na ring kaguluhan sa Zamboanga City, 12 dito ay miyembro ng MNLF, tatlo mula sa Philippine National Police (PNP), dalawa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga sibilyan.
Bukod sa mga napatay, may 57 pang sugatan, habang 19 na sa miyembro ng MNLF ang naaresto ng mga militar.
Sa pinakahuling ulat, may mahigit pa sa 100 na sibilyan ang bihag o ginagawang panangga ng mga bandido para hindi makaatake nang lubos ang mga sundalo.
Paniwala naman ng tropa ng pamahalaan na may mga bangkay pang hindi narerekober mula sa MNLF lalo na sa mga lugar na hindi pa napasok ng militar dahil sa tensyon.
The post UPDATE: Patay sa Zamboanga siege 22 na appeared first on Remate.