ISINAMPA na ng Citizens Crime Watch (CCW) kanina ang kasong plunder laban kay Janet Lim-Napoles, limang senador at iba pang opisyal ng pamahalaan sa Ombudsman, .
Ang kaso ay may kinalaman sa nabulgar na multi-billion peso pork barrel scam na ginamit sa mga pekeng non-governmental organizations (NGOs) ni Napoles.
Ang nagsampa ng kaso ay sina Atty. Jose Malvar Villegas at Carlo Batalla ng grupong CCW.
Kabilang sa mga kinasuhan ng plunder sina Senators Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Gringo Honasan, at TESDA Director Joel Villanueva na dating kinatawan ng CIBAC partylist.
Matatandaan na unang idineklara ng DOJ na sa Lunes pa sila magsasampa ng kaso laban sa mga hindi pa pinangalanang mambabatas na sabit sa nasabing usapin.
Ipinahayag naman ng CCW na ang pinagbatayan ng nilalaman ng kanilang kaso ay mga balitang inilabas ng mga pahayagan.
The post Napoles kinasuhan na ng plunder appeared first on Remate.