PUMANAW sa edad na 66 ang dating SolGen matapos na ma-stroke kagabi sa The Medical City sa Pasig City.
Makalipas lamang ng ilang oras, na-cremate na kaninang alas-2:00 ng madaling araw ang labi ng dating Solicitor General (SolGen) na si Atty. Frank Chavez.
Ang pagpanaw ni Atty. Chaveza ay kinumpirma ng kaniyang asawang si Jean Chavez, matapos umanong ma-stroke bandang alas-10:00 kagabi, habang naka-confine sa The Medical City sa lungsod ng Pasig.
Nakilala si Chavez matapos personal na piliin ni dating Pangulong Corazon C. Aquino upang maging pinuno ng Office of the Solicitor General (OSG) na noo’y humahabol ng mga kaso laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at kanilang mga kaalyado.
Ipinanganak siya noong Pebrero 6, 1947 sa Bateria, Sagay, Negros Occidental.
Nag-aral siya ng high school sa University of Negros Occidental-Recoletos, kung saan nagtapos siya bilang salutatorian.
Kumuha naman siya ng kurso sa West Negros College sa Bacolod City para sa kaniyang kolehiyo.
Noong 1971 ay nagtapos siya bilang cum laude sa University of the Philippines para sa kaniyang Bachelor of Laws degree.
Isang taon lamang matapos ang pagtatapos sa abogasya ay pumasa siya sa Philippine Bar.
Unang lumutang ang pangalan ni Chavez matapos mapabilang sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) noong 1986.
Sa kaniyang pagtatapos ng serbisyo sa gobyerno, naging private lawyer ito kung saan humawak siya ng ilang kilalang kaso, katulad na lamang ng isinampang plunder charges laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nitong mga nakaraang buwan lamang ay hinawakan naman niya ang costudy case ni Kris Aquino para sa anak niya sa basketbolistang si James Yap.
The post Ex-SolGen Frank Chavez na-cremate na, matapos pumanaw kagabi appeared first on Remate.