KINUKUMPLETO na lamang ang mga kinakailangang mga dokumento para tuluyan nang maisampa ang kaso hinggil sa pork barrel scam.
Sa pakikipagpulong ni Atty.Levito Baligod, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, kay Justice Secretary Leila de Lima at nang NBI-Task Force, ang mga documentary evidence ay kailangan nilang isalang sa third review upang matiyak ang numerical figures.
Ang figures umano ay kailangang maitama dahil ang mga bank account ng mga legislator o ang Special Allotment Release Order (SARO) ay posibleng hindi na magkatugma.
Kailangan din anilang maging maingat upang hindi sila maakusahan na sila ay nagsisinungaling at hindi mapagkakatiwalaan sa impormasyon.
The post Mga ebidensya vs Napoles, mambabatas, sinasala pa ng DOJ appeared first on Remate.