TUMULONG na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga ng pulisya sa kaso sa pagpatay sa dalagang advertising executive sa Silang, Cavite.
Ito ay dahil blangko pa rin hanggang ngayon ang PNP sa motibo sa pagpaslang sa biktima na si Kristelle Davantes, 25, at nagtratrabaho sa isang kompanya sa Fort Bonifacio.
Si Davantes ay nakitang patay sa tulay sa Silang, Cavite na nakatali ang dalawang kamay, may busal sa bibig at may tama ng saksak sa kanang bahagi ng leeg.
Lumalabas ding tinangay ng mga suspek ang kotse ng biktima na may plakang PIM 966 dahil hindi pa rin ito nakikita hanggang ngayon.
The post Pagkamatay ng advertising exec, iimbestigahan ng NBI appeared first on Remate.