Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P2-B lugi sa maanomalyang rice importation

$
0
0

UMABOT sa P2 bilyon ang lugi ng gobyerno sa maanomalyang importasyon ng bigas.

Dahil dito, sa pamamagitan ng House Resolution 274 ay isinulong nina Reps. Ashley Francisco Acedillo at Gary Alejano na imbestigahan ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Food Security.

Sa resolusyon ay binigyang diin nina Acedillo at Alejano na mararamdaman anila ang pagkalugi ng gobyerno ng P2 bilyon bago matapos ang 2013.

Ang importasyon ay pinangunahan ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng National Food Authority.

Binanggit pa ng mga mambabatas Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative, isa sa pinakamalaking kooperatiba sa bansa na kapag itinuloy ng NFA ang importasyon ng may 700,000 ngayong padating na Nobyembre, ang tinatayang lugi na P457 milyon ay lolobo ng hanggang P2 bilyon.

Ang importasyon ng bigas ay tinatayang pantakip sa napipintong kakulangan ng bigas.

Ang importasyon ng bigas sa Vietnam ay sinasabing overpriced ng $94.75 per metric ton.

Batay sa report, nasa $360-$365 kada metriko tonelada ang presyo ng bigas ngunit binibili ito ng administrasyong Aquino sa halagang $459.75 per MT.

Tinukoy pa sa resolusyon na aabot na sa 205,700 metriko toneladang bigas ang na-import na bigas ng gobyerno mula April 2013 lamang at hindi 187,000 MT gaya ng iniulat ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA.

The post P2-B lugi sa maanomalyang rice importation appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>