TADTAD ng saksak sa katawan nang makita ang bangkay ng isang dalagita sa loob ng isang kubo sa Anda, Pangasinan, sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Ma. Juliet Carline, 16-anyos, binawian ng buhay sa 17 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Lumalabas na bago ang krimen ay may nakausap pa ang dalagita sa telepono na sinasabing kagalit nito.
Nawawala ang cellphone at kutsilyo sa bahay ng biktima.
Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen.
The post Dalagita kinatay sa Pangasinan appeared first on Remate.