Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Grupo ng manininda sa QC, nagbarikada vs pangongotong ng awtoridad

$
0
0

SAMA-SAMANG nagbarikada ang isang grupo ng mga maliliit na maninida sa overpass ng Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue, Quezon City  kahapon para tutulan ang pagkumpiska ng kanilang paninda ng armadong kapulisan at elemento ng Task Force Commonwealth.

Nanawagan sila sa lokal na pamahalaan ng QC at iba pang ahensya ng pamahalaan na itigil na umano ang pangongotong na ginawaga sa kanila ng awtoridad.

Pinangunahan ang barikadang bayan ng mga manininda ng Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-aabuso (MANLABAN)-at Kalipunan ng Damayang Mahihirap kasabay ng isinasagawa nilang program sa baba ng overpass sa southbound lane ng Commonwealth Avenue.

Kasabay ng pagsambulat sa publiko ng anomalya sa pork barrel na kinakasangkutan ng mga mambabatas, sinimulang tanggihan ng mga vendors ng Sandigan overpass ang pagbabayad ng kotong sa awtoridad ng halagang katumbas na umano sa kalahati ng kanilang arawang kinikita.

Nagresulta ito sa karahasan sa pagitan ng mga manininda at pulis noong Setymbre 1, kung saan ilan ang nasaktan sa magkabilang panig.

Talamak na pangongotong

Ang Task Force Commonwealth sa ilalim ng QC LGU, gayundin ang PNP, MMDA at barangay ay araw-araw umano na kinokotongan ang mga manininda. Upang makapaglatag ng paninda mula alas-5 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang gabi, sinisingil sila ng P40-P50 ng Task Force Commonwealth araw-araw, at umaabot naman sa P50-P60 sa araw ng LInggo.

Samantala, kinokotongan rin ang bawat vendor ng P5-P10 ng mga mobile unit ng PNP, habang tig-P10 naman araw-araw ang sinisingil ng MMDA at barangay. Ang isang kalapit na lokal na presinto naman ng QCPD ay sinisingil naman umano ang grupo ng mga manininda P500 kada linggo.

Hinikayat din nila ang iba pang manininda, partikular sa kahabaan ng Commonwealth Ave, na huwag nang magbayad ng kotong sa awtoridad.

“Liban sa kotong, napakamahal ng mga puwestong inaalok sa amin ni Herbert Bautista at ng raketero niyang kapatid na si Hero Bautista na nagkakahalaga ng P15,000 kada pwesto,” ani Diamond Kalaw, lider ng grupo.

Huwag maralita ang hulihin

Nanawagan ang mga maliit na maninida sa gubyerno na huwag ang maralitang manininda ang hulihin ng awtoridad bagkus ang mga kriminal na nagnanakaw sa kaban ng taumbayan.

Ayon sa grupo, baon na ang mga vendors sa utang na 5-6 na isyang pinagkukunan ng kapital para sa kanilang paninda, kaya’t hindi umano sila papayag na kumpiskahin pa ang kanilang paninda ng kapulisan.

Nanawagan din sila na ibalik ng awtoridad ang nakumpiska sa kanilang mga paninda na nagkakahalaga umano ng aabot na sa P10-15,000 simula pa noong 2010.

The post Grupo ng manininda sa QC, nagbarikada vs pangongotong ng awtoridad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>