KAHIT nakiusap pa ang Malacañan sa overseas Filipino workers (OFWs) na pag-isipan muna ang planong “no-remittance day” na gagawin bukas, Setyembre 9 ay nagpahayag na ng pakikiisa ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Hong Kong.
Ang “No-Remittance Day” ay sagot ng mga OFWs sa kontrobersiyal na pork barrel system sa bansa.
Kanina ay sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na dapat isaalang-alang ng OFWs ang kapakanan ng kanilang pamilya sa oras naitigil ng mga ito ang pagpapadala ng remittances.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na ginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga OFWs sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Unang nanawagan ang grupong Migrante sa mga manggagawang Pinoy sa labas ng bansa na itigil ng isang araw ang pagpapadala ng remittances bilang pakikiisa sa panawagan na buwagin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at kongresista.
The post OFWs sa HK makikiisa sa ‘No Remittance Day’ bukas appeared first on Remate.