TINIYAK ng mga organizer ng “EDSA Tayo” na tuloy ang gagawing pagtitipon sa Miyerkules, September 11.
Sinasabing alas-11:00 ng umaga mag-uumpisa ang pagtitipon sa EDSA para sa prayer vigil at alas-5:00 ng hapon naman ito magtatapos.
Ang nasabing pagtitipon ay para ipanalangin sa Diyos ang bansa at ipakita kay Pangulong Noynoy Aquino ang nais ng taumbayan na totally i-abolish ang pork barrel system.
Sinasabing aabot sa mahigit 5,000 katao ang dadalo sa nasabing pagtitipon.
The post 5K plus katao inaasahang pupunta sa ‘EDSA Tayo’ appeared first on Remate.