DAHIL sa away-magsyota, dalawang bumbero ang nalagas habang kritikal naman ang nobya ng isa sa dalawa dahil sa naganap na pamamaril sa Bataan province nitong Sabado ng gabi, Setyembre 7.
Dead on arrival sa Orani District Hospital dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina SFO2 Charlie Mendoza, 52 at F02 Enrico Caraan, kapwa miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakabase sa Orani, Bataan.
Kritikal naman ang kondisyon sa Bataan General Hospital sanhi ng 6 na tama ng bala sa iba’t ibanng parte ng katawan ang biktimang si Arlyn Lopez, 47-anyos.
Sa ulat, alas-10:25 nitong Sabado ng gabi nang maganap ang krimen sa bahay ni Caraan sa Barangay Tagumpay sa Orani.
Ayon sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nag-iinuman sina Mendoza at ang nobya nitong si Lopez sa apartment unit na inuupahan ni Caraan.
Pero sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nag-away ang magnobyo at binaril ni Mendoza ng anim na beses ang nobyang si Lopez.
Tinangkang awatin ni Caraan si Mendoza ngunit maging siya ay dalawang ulit na binaril ng suspek bago nagbaril din sa sarili.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang caliber .45 pistol na may serial number 21129327, Armscor, na may license number 1042920I1929278 at nakarehistro kay Mendoza; isang caliber .45 magazine; 6 empty shells; 2 fired bullets; at 3 bullet fragments sa crime scene.
The post 2 bumbero nalagas sa lovers quarrel appeared first on Remate.