AABOT sa P2.2 bilyon halaga ng solar-powered LED bulbs ang gagamitin sa mga kalsada ng Maynila.
Kasunod ito sa paglagda ni Manila Mayor Joseph Estrada at ng Korean company na Global Gold Goal Inc. ng memorandum of agreement (MOA) para sa pagdo-donate ng 10,000 units ng solar-powered LED street lights sa lungsod.
May kasama ring closed-circuit television (CCTV) cameras at mga LED display signboards ang nasabing street lights.
Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa loob ng dalawang taon.
Nakamandato sa ilalim ng Republic Act 9153 o ang Renewable Energy Act of 2008 ang paggamit ng renewable energy resources tulad ng solar lights.
The post Solar-powered LED bulbs, gagamitin sa Maynila appeared first on Remate.